Ito ang aking talaan ng nilalaman ng aking puso't damdamin.
Kung ang iyong nais puntahan ay ang talaan ng mga pagsusulit, hawakan lamang po ang anghel upang kayo'y ilapat nito sa MABANGIS NA HARDIN. Wag po kayong mag alala, mabait na bata iyan.
Ngalan: Tiffany Dela Cruz
Edad: Labing-anim (16)
Kaarawan: ika-labing-apat ng Hulyo (July 14) taong 1988
Halina't maglaro sa 'king hardin
kung saan dumadaloy ang luha
Sa'king hardin dadaloy ang dugo
At ang damdami'y walang halaga.
Magpaalam ka na sa'ting mundo
di na babalik ang ligaya mo
Puno ng hirap; puno ng lungkot
Sa'king hardin halina't maglaro
At kung nais naman mag tungo sa talaan ng aking mga kaibigan, pindutin lamang ang kanilang mga pangalan:
Jenny
Eunice

Tuesday, October 18, 2005
kahapon, bumalik ako sa dati kong high school. syempre excited, kasi matagal tagal na rin nang hindi ko nakikita ang dating paaralan, at marami akong utang na loob dito
at naalala ko muli ang aking kalungkutang ipinarama sa akin...
Ang suot suot ko ay isang green na bohemian skirt na sinhaba ng saya, at isang green na top from Bayo. Green na green! ayoko na magsuot ng itim, dahil tulad ng sinulat ko rito, nagkaroon na ng tagsibol ang kaluluwa kong nababalot sa niyebe...
una muna nagkakita kami ng kaibigan kong si Soleill sa banyo, at nakakatuwa ang reaction nya. "Kiiim!!" ang tili nya sabay yakap sa akin. Hindi nya raw ako namukaan dahil IBANG-IBA ako. nang nakita ako ng isa kong kaibigan, Chesca, ganoon din ang sinabi. Dalaga na raw ako. Si laira ngiti lang, pero ayos lang, wala akong pakealam sa kanya. Si Rachel naman, ang aking itinuturing na best friend since grade 5, ang sabi sa akin, mukha akong belly dancer o pupuntang disco. Syempre daanin na lang sa tawa! pero sa loob-looban ko, ang sinasabi ko sa sarili ko sa kanya, "ha??? ulol ka talaga" di ko na sinabi! baka masira pa pagkakaibigan namin! nakita rin ako ng ibang kaibigan kong 4th year ngayon. Sabi sa akin ni Kat-kat, isang 4th year, mukha raw akong anime dahil sa buhok ko. sa totoo lang, nagbago rin sya! humaba na ang buhok nya! nakakatuwang isipin pero ang namimiss ko lang ay ang ilang 4th year at lower levels, at iba kong guro. Nakita ko rin si Lyndsay, isa pang 4th year, at tulad din na katkat, natuwa rin sya sa bago kong ayos. binalita nya sa amin, iba na name ng music club nila! MMPP: make mama Pilarcita proud! si Pilarcita ay ang aming Officer in Charge sa school. Ibig sabihin, sya ang parang
Una naming pinuntahan ay ang Registrar office at ayoko nang bumalik doon! sabi sa akin ng iba pang tao doon mukha na rin daw akong dalaga, at dahil may bangs na ako, naninibago sila. Dumating rin si mama Pilarcita! ayoko na siyang makita magpakailanman. kinamusta nya lahat bukod sa akin, tinanong nya lahat bukod sa akin... ano ba ako doon, hangin? hindi ko alam kung sinasadya nya o ano, pero nakakainis naman ituring kang parang hanging hindi nakikita! nakakainsulto iyon kung alam nyo lang.
Pinaka-ayaw kong tao ay si aling pilarcita. Ayokong ayoko sa kanya. Sya na rin may pakana kaya nabansagan akong tawa-ng-tawa. Sa paaralan namin, masama maging cheerful, ayan ang natutunan ko. Dito ko rin natutunan kamuhian ang tinuturing nang iba na aking asset: ak=ng aking dimples. Ayokong ayoko sa aking dimples dahil sa kanya at sa iba kong kaklase. Ayoko dito dahil hindi ako maka-arte, at tuwing nagsasalita ako, mukha akong tumatawa.
Kumukulo ang dugo ko nang umalis kami. Masaya na rin dahil hindi ko na nakita ang pangit nyang mukha. Ayoko na rin itong makita. Hindi ako bibisita sa kanya kahit kailan maliban na lamang kung makaladkad ako ng kaklase ko.
Matapos noon, pumunta na kami sa guidance councilors. nang una walang tao, kaya kumain muna kami. Si chesca may allergy kaya hondi makakain. Dumating si Ms. Rose, at masasabi kong, masya kong nakita sya muli. nagkakwentuhan kami sa mga nangyayari at matapos noon, bumalik kami sa guidance. Naabutan namin si sir Mike na busyng busy na nag iistapler, kaya nagkausap kami. At si Laira, napuna na kakulay ko ang sofa. syempre tinawanan na lang at nagkabiruan. kwento kwento at tapos noon, nasabi ni laira ang tungkol sa beach, "gusto ko makita ka nakinakain ng pating kim!" Tumaas ang isa kong kilay. Gusto ko nang sabihin na gusto ko syang makitang kidlatan. kaso, baka magkaawayan, at dahil ayoko naman noon,. inignore ko na. sinabi ko na lang, "wala namang pating sa batangas. sa mindoro lang" at sabi ni laira, "sa malayo mayron" Nagkakwentuhan tungkol sa shark, at matpos non, inulit ni laira ang sinabi nya kanina. At muli naramadaman ko nagusto kong asarin si Laira sa kanyang katabaan at kanyang pagiging vain na hindi bagay sa kanya. at syempre, gusto kong sabihin sa kanya, na gusto ko makita syang kidlatan sa beach tulad nang nangyari sa friend ng pinsan ko.
Nakausap namin ang physics teacher. mabilisan lang, tapos dumating naman ang aming math teacher. nagpicture picture, tapos hiningi nya numbers namin. Syempre, tulad ng dati, nakaligtaan nya na may isa pang tao doon, hindi na nya natanong ang akin. tinanong ko na lang sa kanya. nakakainsulto pero pinabayaan ko na.
Iniwan ko na sila ng pauwi na. Hindi na ako sumabay sa mga classmate ko. Ayoko! sinamahan ko na lang si Katkat, hanggang mag 5:30 dahil wala rin naman syang kasama.
AYoko na makita ang karamihan ng kaklase ko. Kahit kakaunti lamang kami, ayoko na! sawang sawa na ako sa pagtrato nila sa akin. I'm better but I'm bitter towards them. Kapag nakita ko silang nalulunod, ang ililigtas ko lang nang walang hesitationm si soleil, mabs, eva, chesca... yun lang. lahat pwede na malunod!
Posted at 07:13 pm by kimi_chan
Permalink
Sunday, October 16, 2005
ang tagal na rin nang huli akong nagsulat dito no? hay... ewan ko ba sa sarili ko! napabayaan ko na ang blog ko. Masyado nang busy sa studies.
Oo, nga pala, sa pamantasan namin, tinitingala na ako. Kung baga parang Straight A student na ako! pero sa amin, hindi A... 1 ang score. sana nga ganoon ang mangyari para maranasan ko naman ang isang bagay na hindi ko nakuha sa aking kabataan!
napansin mo ba, hindi na ako sin-lungkot nang dati? ito ang napansin ko sa aking sarili. Nang una akong magsulat dito, kulang na lamang ay umiyak ako! sobrang lungkot ko, kulang na lang talaga ay ang dumahak ang luha sa aking mga pisngi. Pero, nagbago na ako!
naalala ko ang isang RPG sa computer ko: American McGee's Alice. Kapag natapos mo na ang laro, makikita mo na ang nakakatakot at nakakabahalang mundo ng wonderland ay biglang magkakaroon ng tagsibol, kulay at liwanag. Sa mundo ko, parang ganoon ang nangyari! dati, black and white ang aking buhay. At tulad ng pangalan ng aking blog, isa itong labyrinth na punong puno ng patibong at nagdurusang tao. Bawat sulok tignan mo sa aking mundo, ang makikita mo lamang ay puro lungkot at miserableng kwento ng buhay. makikita mo sa aking mundo ang kawawang ako na umiiyak at nagdurusa.
Nang humakbang ako sa college, medyo ganoon pa rin ako. Parang taong nawawala sa isang labyrinth. pero nang magtagal, guminhawa rin ang pakiramdam ko! nagkaroon ako ng mga kaibigan na talagang tumatanggap sa aking pagkatao at nagaalala para sa akin! hindi tulad noon na ang masasabi ko na tunay na kaibigan ay mabibilang mo lamang sa isang kamay. Isang araw na lamang biglang nagkaroon ng araw ang aking mundo at nakita ko na ang kaligayahan ng mundong ito!
ngayon ay sem break na, at ngayon, natututo na uli akong matakot. Ayoko na magbago ang buhay ko ngayon. Ayokong mapahiwalay sa mga tunay kong kaibigan. Natatakot akong mapahiwalay sa mga taong tumanggap sa akin kung sino ako at natatakot din ako na hindi ko na uli makamtan ang sitwasyon ko ngayon. Hindi ko na kailangan tignan ang aking ginagawa ngayon dahil alam ko na wala nang maiinis, magagalit o tatawa sa aking mga ginagawa na wala namang dahilan. Ngayon, ang bawat kilos ko ay parang kilos ng anghel na galing langit: tinitingala ng tao at nirerespeto. Nararanasan ko na ngayon ang pagiging buhay sa mundong kay ganda!

Alam kong kukunin ng panahon ang nangyayari ngayon, at hindi maiiwasan ng mundo ang pagbabago. Ika nga, walang permanenteng bagay dito sa mundo bukod sa pagbabago. Ang tanging hiling ko lang ay hindi mawala ang mga biyaya sa akin sa pamamagitan ng aking mga kaibigan...
Posted at 04:51 pm by kimi_chan
Permalink
Thursday, August 25, 2005
tapos na ang midterm! wahooo!!! heaven

anyhow, mayron na namang sabayang pagbigkas.. okay na sana ngunit subalit datapwat ung isa kong clasmate umepal, at umastang DIRECTOR! nakakahimutaok damdamin dahil wala namang bumoto sa kanya maliban na lamang sa kanyang tropang malandi. at ang maligalig pa rito'y siya'y gumawa ng mga patakaran na para bang nagpaparinig sa kanyang grupo: no bossy people (look who's talking), bawal pa importante (pot calling the kettle black) walang late, no groupin (sila nga yun e!) grabe! nakakaasar!
ang dahilan daw ay dahil siya'y bihasa na. taga seton daw siya! e kung siya, sanay na, mas sanay ako! biruin mo, imudmod ba naman yung mga production sa mukha mosimula pagkabata! mas-SETON ako kaysa sa kanya noh! hurumph! at eto pa, mahina raw ako magsalita. well, kasi ganito po iyun. ako po ay isang taong marunong magregyuleyt ng kanyang boses. bakit ba ako sisigaw kung di naman kailangan? and besides, sabihin mo yan sa mga pinsan ko, duduruin ka nila at sabay pintas sa iyo na "BINGE!!!"
the end
Posted at 06:16 am by kimi_chan
Permalink
Sunday, August 07, 2005
Ang ligalig. Nahuli ako sa may edsa! Jay walking!

kasama ko nun yung aking classmate na si Janina. Dahil yung mga hinayupak naming kaklase na sina J_______ and company na hindi gentlemen, hindi man lang inalam kung saan kami. E di siyempre kami, susunodsunod lang!

tapos non, tumawid kami ni Janina sa ilalim ng LRT. Tapos hinuli kami! grabe! kakatakot! sinabi ba naman sa amin ng pulis, di na kami makakagraduate. tama ba yun? matapos non, pinakita sa amin ang isang plakang natatakpan ng isang kotse "WALANG TAWIRANG NAKMAMATAY" taas bigla ang aking kilay. ano?! bakit ganun?! maiintindihan ko sana kung ang nakalagay ay "NO JAYWALKING" or nasa itaas na parte man lang yung karatulang color pink! alam mo na, nasa eyelevel!

well hello?! ano ho ba?! kung nais nyo manghuli, gawin nyo po namang makahulugan! at ang dami kaming hinuli! at saan po yung tawiran? sa mrt station? para atang magbabayad pa kami para mag jay walk! tang ina yan! bad trip!
Posted at 02:26 am by kimi_chan
Permalink
Thursday, July 28, 2005
Heto na naman sa may san marcelino na naman ako
pero di tulad ng nakaraan, doon na ako dumaan sa may munisipyo. La nang spots on the street =(
Posted at 10:31 pm by kimi_chan
Permalink
Friday, July 15, 2005
Ang tagal na no! sorry po!
Eto na ko! college na! at ang masama, wala na akong time mag internet. nakakamiss na nga e.
magiinternet lang ako pag walang magawa. tapos la na akong kwenta magsulat ng entry!
mayron na naman kaming play. at tulad ng dati, ako pa rin ang scriptwriter.. pero nagaalala ako. kasi ang story namin tungkol kay abraham. e medyo na tweak ko. si god, di nagpapakita kay abraham, instead may angels na lang. kasi, nabasa ko, kay moses lang nagpakita si god. di kay abraham. Kung kay mary nga hindi nagpakita si god, what more pa kung si abraham? so, ang ginawa ko, nilagyan ko ng angels: yung four angels of the throne: Gabriel, Uriel, raphael at si michael. Tapos naging mala angel sanctuary pa ang dating. Si Gabriel, sitting pretty lang, Uriel, mukhang kamatayan, Raphael mukhang drug adik at si michael prince of the heavenly army maangas. Si gab at si uriel kasi ok lang. si raphael, kailangan maging drug adik para lang mapakita na sya angel of medicine, at si michael kailangan maging maangas kasi general sya. lahat ng nakikipag digmaan usually matitigas ang puso kung hindi, sabog ang army!
pero i'm worried! baka masyado kong na itweak yung story to the point na pagalitan ako ni sir!!! ayoko nun no!!!!!!!! yoko mapahiya!
hay buhay...
pero lahat yan may explanation! kaya yun. wish ko lang ioverlook ni sir si uriel kasi di naman sya talaga involved dun. :P
god sorry po! malay mo, that's what really happened nga!
Posted at 11:44 pm by kimi_chan
Permalink
Friday, June 03, 2005
Woooooowang tagal na since nagsulat ako no? kasi naman, finifigure out ko pa kung pano ko maaayos ang layout ng blog ko.
Nagkaaroon na nga pala ako ng celphone. this time, di nako nakikihati kay mader, sarili ko na yun!
at dahil nga may bagong cel, may bagong textmate! buraot textmate ko! akala ko pa naman dati he's an uptown dude (conyo)! I want un uptown dude kasi e. You know, sophisticated dude. Okay lang kung nagpplaystation pa sya, or isip bata minsan, basta, may pagka class. siguro older than me, after all, pag high school, gusto yung bad boys and such, ngayong college na ko, gusto ko nang maytrabaho na. hindi yung trabahong mabigat! I mean yung nakakurbata!
anyway, di naman uptown dude yung nakuha ko. he's a perv!!!!! eeeeew!!!! yoko sa maniac no! I'd go out with anyone wag lang perv!!!!
nabasa ko na nga pala ang angel sanctuary! maganda!
Posted at 04:40 am by kimi_chan
Permalink
Friday, April 29, 2005
Sinamahan ko kagahapon ang pinsan kong si Lhy, kasama ang isa pang pinsang si Roscianne, sa Adamson University dahil may kailangan syang ayusing mga papeles para sa pag lipat niya ng paaralan.
masaya naman... Mayron pa ngang nasagasaan e! di ko nakita pero narinig lang namin! dinala na sa ospital pero hindi sigurado kung mabubuhay pa sya.
ngayon, ang adamson university ay nasa San MArcelino, malapit sa SM manila.
Tuwing naglalakad ako sa San Marcelino, hindi ko maiwasang tumingin sa baba, sa nilalakaran ko. sa sidewalk ng san marcelino, mapapansin mo ang libo libong itim na spot sa pavement. Ito ay ang mga chewing gum na dinura ng mga tao habang naglalakad o tumatambay lamang sa san marcelino.
Natutuwa akong pagmasdan ang mga natuyong bubble gum sa sahig. Ang dami dami! parang mga bituin sa langit ang dami ng mga ito. Nakakatuwang isipin, na sa bawat bubble gum na iyon, may isang taong naglakad sa san Marcelino at naglagay ng kanyang marka sa sahig. Marahil, buhay pa ang sumura o patay na, bata o matanda. Ngunit wala man sila, ang kanilang marka ay nagmimistulang tala sa sahig ng san marcelino. marahil hindi magtatahal ang mga bubble gum na ito, marahil matatakpan, ngunit kung mawala man ang isa, may ibang tao pa rin na patuloy na dudura ng kanilang bubble gum, at pananatilihin ang kagandahan ng "Spots on the Pavement" ng san Marcelino.
Posted at 06:53 pm by kimi_chan
Permalink
Monday, April 25, 2005
Ang aking physical examination sa madocs
Kanina, nagtungo ako sa manila doctors para sa aking interview. Pambihira! nag isip pa man din ako ng sasabihin ko kagabi. Wala rin! lahat ng naisip ko, nawala sa utak ko! buti na lang tinatamad na ata si dean kaya pinasa na ako.
tapos, eto na! ang buset ng physical examination! nakakilala na naman ako ng bagong peeps. si trisha at si st scho girl (nalimutan ko yung name). si trisha taga malate catholic school. si st scho naman mapayat na girl. parang napaka frail nya!
Nang una, ayos pa ang pe, pero ng nasa ospital na kami... ay naku! pinag hubad pa ako. tapos ayaw pa lumabas ng sama ng loob ko (aka feces) pambihihra! Kaya tuloy, bukas punta uli kami dun.
Ayok na kasama si mader... nabuburaot lang ako. mas gusto ko kasama si erpats pag napunta sa mga colleges e!
Posted at 01:12 am by kimi_chan
Permalink
Thursday, April 21, 2005
Pasado ako sa Manila Doctors. Hindi ako nagtataka dahil madali lang naman ang exam. Hindi naman sa nag mamayabang ako ha!
Kanina naka download ako ng manga ng fruits basket. Alam ko na nalicense na ito, pero mayron pang nag didistribute nito sa net. Di ko na ilalagay dito ang site dahil ayoko ipromote ang site nila. Piracy na kasi ginagawa nila. Iniiscan ng mga fans ang mga gusto nila, pagkatapos itratranslate. Tapos, kinuha nung site na iyun at humihingi ng pera. Pambihira
Balik tayo sa fruits basket.
Mayroong isang chapter ng fruits basket kung saan ipinakita si Kisa. Si kisa ang tigre sa mgasodiac. Si kisa nagtigil magsalita dahil lagi sya ay sobrang mahiyain, at laging inaaway.
Marahil kaya ko nagustuhan si Kisa dahil nakakarelate ako sa mga nangyari kay Kisa.Marahil magtataka ka kung totoo ba iyun. di ba anime lang yan? Oo totoo yun. May ilang parti ng anime ay nangyayari sa totoong buhay.
Noong preteen pa lang ako, nararanasan ko ang mga nangyari kay kisa. Noong grade six ako, ayaw sa akin halos lahat ng lalaki sa batch namin (40 lang kaming lahat sa batch). Ewan ko bakit pero ganon lang talaga. Iniiwasan nila ako, at pinagtatawanan ako sa aking likuran. Di ko alam kung bakit. Hindi naman ako binubug-bog nang pisikal, ngunit ako ay binbugbog ng emotional. Ang sakit sa puso ang nangyari sa akin nung panahon na iyun. Tuwing nagsasalita ako, pagtatawanan ako, tulad ng ginagawa kay kisa. Pinagtatawanan ako bago pa man ako makapagsalita. Ayan ang nangyayari sa akin sa school. At pagkauwi ko sa bahay, bago ako makapag salita, sisigawan ka agad ako na dang ingay-inagay ko.
Pag uupo ako, lalayuan ka agad nila ako na para bang may malubhang sakit. tuwing naalala ko iyon, sumasakit ang puso ko. Pakiramdam ko, may malubha nga akong sakit dahil sa pinaggagagawa nila sa akin.
Alam ko ang nararanasan ni kisa. ang sakit ng mga pinaggagagawa sa akin ng aking pamilya at mga kakalase. Dahil hindi naman ako palalabas, hindi na ako nagkaroon ng mga kaibigang bago.
At nang nagkaroon naman ako, nilayuan din nila ako.
Tahimik lang ako, dahil nakakahiya.
Ayokong may makaalam ng mga problema ko dahil baka lalo nila akong kaawaan at kamuhian. Di nga ba, ang malakas lamang ang nabubuhay dito sa mundong ito?
Sana napanood ko ang fruits basket noong mga panahon na iyun. Kung kailan ako lubog na lubog sa sama ng loob. Marahil, naging masmasaya ang buhay ko dahil sa mga sinasabi ni tohru kay kisa.
"ayos lang na maging mahina ka. ayos lang dahil may magmamahal pa rin sa iyo.."
siguro, di lang ako maniniwala doon sa dulo, pero, marahil, sisigla ang buhay ko dahil sa mga naunang salita.
Ayos lang na maging mahina.
Posted at 08:54 am by kimi_chan
Permalink